Sunday, March 25, 2012

I-Team


Jann Eldy "Joma" L. Daquioag (IV-Photon)
Jul Mar "Buko" F. Esteban (IV-Truth)
Batch 2012
Yeah!


Kadahilanan ng aming pangalan.

Ang pangkat na ito ay binubuo ni Jann Eldy L. Daquioag at Jul Mar F. Esteban. Ang aming pangkat ay pinangalanang I-Team sapagkat kami ay ang pinakamaitim na pangkat sa asignaturang ito. I-Team din kasi dahil siguro paborito namin ang itim na kulay.

Bakit namin ito pinili.

Jann Eldy L. Daquioag: Gusto ko kasing maging malapit sa Biology ang aking magiging elective kaya naman ito ang pinili ko.

Jul Mar F. Esteban: Andito kasi si Leona at Jaclyn kaya sumali ako sa elective na ito.

Ang aming unang sapantaha sa asignatura.

Ang iniisip namin ay magiging mahirap ang buhay namin sa RAPD na parang magiging STR lang siya ngunit nagkamali pala kami. Sa aming mga naging kasama na kumuha ng RAPD ay masasabi ko naman kami ay naging magkakaibigan, siguro dahil na rin sa aming maliit na bilang at mabait na guro. Sa guro naman namin ay inisip naming magiging nakakatakot ngunit hindi pala at siya pala ay magiging mabait na guro.

Ang aming mga binalak.

Ang titulo ng aming proyekto ay “Product Development of a Marketable Squash Enriched Street Food”. Ang aming binalak ay gumawa ng isang kikiam na may halong kalabasa na maging mas mura at mas masustansya sa kikiam na binebenta ngayon.

Aming lakas na pinaghuhugutan

  • Ang aming pagkakaibigan ng aking kasama
  • Ang aming bugbugan kung sino ang gagawa ng ano
  • Ang aming kakulitan at saya noong gumagawa kami ng kikiam

Mga karanasan sa asignaturang ito.

Ang mga masasayang bahagi ng aming karanasana ay yung aming paggawa ng kikiam sa loob at labas ng Pisay. Masaya ang aming pagluluto ng kikiam sa gilid ng GRHA. Ang mahirap na bahagi ay ang pagtitinda at paghimok sa mga taong bumili ng aming kikiam. Mahirap sapagkat natatawa kaming dalawa sa aming ginagawa.


Mga ala-alang aming dadalhin.

Marami kaming ala-alang dadalhin galing sa RAPD. Mga tawanan at sugat na nakuha noong isang gabi sa bahay ni Jaclyn, mga tawanan sa loob ng silid-aralan sa SHB at ASTB, mga kakulitan noong YMSAT sa kanya-kanya naming upuan upang magtinda, mga debate sa bahay ni Jaclyn, mga tanong sa pagtatanghal ng mga tao at marami pang mga ala-ala. Hindi namin masasabi ang pinakatatatak sa aming isipan sapagkat sandamakmak ito at lahat ng ito ay hindi namin makakalimutan.

Ano ang kulang para sa amin.
Siguro ang gusto lang namin ay magkaroon ng isang linggong oras na magtitinda sa loob ng paaralan. Sa oras ng klase ay lalabas at magtitinda sa mga guro, mag-aaral at mga kawani ng paaralan. Maganda rin siguro kung magkaroon ng mga taong tutulong sa amin upang sabihin kung ano pa ang aming maaring gawin at kung ano pa ang aming idagdag sa aming ginawa.

Mensahe sa mga nais sumubok.

Ang payo lang namin sa mga nais pumasok sa RAPD ay dapat kayo ay matiyaga, makulit , at masipag. Masaya ito kung masaya ngunit kung hindi ninyo ito kayang gawin ang aming masasabi ay wag na lamang sapagkat kayo ay malulundo lamang. Masaya ang RAPD at kung papasok kayo ay IKALUGOD NINYO SANA ANG ASIGNATURANG ITO!

No comments:

Post a Comment